Ano ang BayadEra?
Ang BayadEra ay isang life simulator game. Fantasy ang mundo, pero ang kuwento ay kuwento ng bawat masipag na Pilipino: sweldo every kinsenas, bills, utang, at pamilyang umaasa sa'yo.
Sa Tigumi, nakikita mo ang pera mo ngayon. Sa BayadEra, puwede mong i-simulate ang mga susunod na araw: anim na buwan ng paydays, sa loob lang ng ilang minuto.
Bakit iba ang character mo?
Sa Story Mode, hindi ikaw ang bida. I-roleplay mo si Mika the Warrior, breadwinner mula sa isang baryo sa tabing-dagat na sumusuporta kina Nanay, Tatay at sa bunso niyang si Tonton. Para ma-gets mo muna ang laro, maintindihan kung paano ito gumagana, at ma-excite ka sa kuwento niya.
Ang tunay na goal
May mga sorpresa sa buhay. Madalas, alam mo ang tamang gawin. Pero minsan, hindi mo ito pinipili, kahit alam mong iyon ang tama.
Hindi ka huhusgahan ng BayadEra. Gusto lang nitong maging aware ka sa mga desisyon mo pagdating sa pera.
Paano maglaro
- Every payday, hatiin ang sweldo. Dumarating ang sweldo every 10th at 25th. Hatiin ito sa apat na jar:
AtakeDagdag na bayad, diretso sa HP ng utang-halimaw.ShieldEmergency fund. Unang sasalo sa mga sorpresa.TreasureIpon. Tumutubo nang kaunti kada buwan.PocketPang-araw-araw. Dito kinukuha ang gastos sa quest cards.
- Kilalanin ang mga halimaw. Ang utang ay mga monster: ang Interest Slime (credit card), ang Guild Golem (salary loan) at ang Castle Dragon (housing loan). Ang HP nila ay ang balance, at lumalaki ito sa interest kung pababayaan.
- Harapin ang quest cards. Dumarating ang mga sorpresa: may nagkasakit, may nanghiram, may sale, may raise. Pumili ng sagot. Kapag kulang ang Pocket, kukunin sa Shield, tapos sa Treasure. Kapag ubos lahat, sa credit card ang bagsak.
- Bantayan ang stamina. Napapagod din si Mika. May mga choice na naka-lock kapag mababa ang stamina, kaya mahalaga rin ang pahinga at ang oras sa pamilya.
- Manalo. Talunin ang Interest Slime at punuin ang Shield hanggang 20,000 gold bago matapos ang 12 paydays. Sa dulo, makikita mo kung magkano ang napunta sa interest at kung magkano ang naipon mo.
- Subukan ang sarili mong kuwento. Pag gamay mo na, i-tap ang "Play My Life in BayadEra" sa Tigumi para laruin ang My Life Mode gamit ang totoong sweldo at utang mo.
BayadEra features
- Life simulator: six months of paydays in a few minutes.
- Story Mode: play as Mika the Warrior and learn the game through her story.
- My Life Mode: play with your own sweldo and loans, opened from Tigumi.
- Four jars: split every payday into Atake, Shield, Treasure and Pocket.
- Debts as monsters: credit cards, salary loans and housing loans you can see shrink.
- Quest cards: surprise events that test your choices.
- Taglish story: fantasy world, Filipino life.
- Plays in the browser: phone or computer, no download, no account.
- Free: no ads, no in-app purchases.